Long weekend na naman, pero bago ko simulan and walang sawang pahinga. Nag internet muna ako para kumuha ng mga bagong impormasyun galing sa mga taong walang sawang nag tsitsimisan, pero alam n'yu hindi ko naman pinagsisihan.
Bago pa nangyari ang Million People March sa Luneta. Nabasa ko na sa isa blogspot ang planong rally ng mga mamayang Pilipino from this Anonymous commenter. Isang napaka impormatibong pahayag galing sa isang "Anonymous" commenter ang nagbunyag ng napakaraming impormasyun tungkol
sa "Baboy Scam" (in my own word) - Pork Barrel Scam.
See blog: http://dulzspeaks.blogspot.com.au/2013/08/anonymous-speaks-pork-barrel-scam.html
Original comment from Anonymous found here: http://momandpopmoments.com/2013/07/31/janet-napoles-pork-barrel-scam-theft-from-a-nation/
Minsan napag isip ko, sino kayang Anonymous na ito at alam na alam nya galaw ng mga hayok sa pera ng bayan?
Ang nangyari kayang gyera sa Zamboanga ay plano din kaya ng walang halang na kaluluwa na taga gobyerno? 'di man lang nila naisip kung ilang tao ang pwedeng madamay sa labanan, para lang matakpan ang mga kasalanang nagawa nila. Kay dudungis ng mga kaluluwa ng mga taong ito.
Sana sa nangyaring kaso ngayon kay Napoles ay hindi maisawalang bahala nalang sa kalaunan. Dapat magtiyaga tayong mga Pilipino na ipag laban ang ating karapatan.
Medyo nadala 'ata ako sa aking damdamin ngayon ah!
Hanggang dito muna ako ngayon, medyo nabawas bawasan na rin sama ng loob ko sa mga taong mapagmataas sa lipunan.
Sa buhay ng tao may mga sekreto. Ito may puti o itim na sekreto. Ito pa rin ay bahagi ng buhay mo.
Thursday, October 3, 2013
Tuesday, July 30, 2013
SONA 2013, Sekreto ni PNoy!
Lumipas na pala ang 4 na taong panunungkulan ni PNoy.
Akalain mo 'yun! Sya nga yung binoto ko sa nakaraang
presidensyal eleksyon pero hindi po ako pro PNOy noon wala lang talaga akong
mapiling presidente sa panahong iyon. Fourth year college pa ako nang una akong
sumabak sa eleksyun.
(Para lang akong umatend nang examination day dapat tama
ang sagot para hindi ka manghinayang sa boto mo).
Tulala lang ako walang alam gawin kun'di ang magtanong-tanong
kung sino nga ba talaga ang nararapat sa pwesto at mapagkatiwalaan. Sabi ng
isang guro ko sa klase, na si Madam B,
"Alam nyu class kay Noy2x ako buboto, dahil alam
kung wala siyang gagawing pangungurakot at meron syang pangalang inaalagaan".
Totoo nga naman, kahit na maraming nagsasabi na walang
magandang nagawa si PNoy, masasabing ko pa ring kahit paano madami-dami na rin
ang mga corrupt na napatanggal nya sa kani-kanilang mga puwesto.
(….. Applause applause applause …..)
Pero madami din ang hindi bilib kay PNoy, eh ano nga ba
magagawa ko iba-iba nga naman pananaw
ng pinoy sa buhay.
Hindi rin naman nasayang boto ko, di ba?
Alam nyo? Minsan naitanong ko rin, "Kaya ba talagang
umunlad ng bansa sa kamay ng isang politiko?" Kung sa labas ng Pinas aba
"OO" naman, pero sa Pinas aba’y yan ay isang malaking katanungan.
Isang rason lang nakikita ko kung bakit di magawang
mangurakot ni PNoy. Tama nga si Maam, yun ay sa dahilang mahirap bahiran ng
kasamaan ang pangalan ng magulang na nagpalaki sa kanya.
Nakinig ba kayo ng SONA ni PNoy noong nakaraang linggo?
Dami nyang pinatutungkulang mga taong nasa puwesto
ngayon. Maraming mga bulakbok sa pwesto.
Hirap din naman nilang tukuyin ano? Alam nyo may
kontribusyon din naman tayo kung bakit sila ngayon ang nakaupo sa pwesto dahil
tayo mismong mga Pinoy ang nag luklok sa kanila.
Hirap din tumukoy ng taong mapagkakatiwalaan dahil hindi
naman natin sila kamag-anak o kaibigan para malaman lahat ng ginagawa nila.
Kaya, paano po ba yan?
Isip-isip mga kapatid malapit na naman ang presidensyal
elekysun. Tika malapit na nga ba??
Pabahay?
“Wala ata akong narinig na pabahay dito sa lugar namin.”
“Bakit hanggang ngayon di parin kami nagkabahay ang hirap
palipat-lipat ng tirahan ang mahal pa ng mga bayarin.”
Ito yung palagi kung naririnig sa mga nagrarally at
palaging laman ng TV. Mga ate at kuya ‘wag sa pangulo o sa gobyerno iasa lahat
ng mga bagay-bagay dapat tayo mismo ay magsikap para buhay natin ay sagana.
Kaya nga si Emerson Paguia laman nang SONA ni PNoy sa dahilang sya ang
pinakamagandang halimbawa ng isang taong nagsisikap sa buhay para makamit ang
pangarap.
Ngayon, di pa rin ba kayo natatauhan samantalang marami
nama'ng paraan para umasinso sa buhay??
(Ako nga eh, tamad kung minsa, pero minsan lang naman
ginagawa ko parin ang dapat na maging papel ko dito sa mundo at maging isang
ulirang Pilipino ng aking lupang sinilangan).
Ang dami ko pa sanang isusulat, kaya lang kapos ako sa
oras. (Sa totoo lang di ko natapos ang SONA ni PNoy kailangan ko pang basahin
iyon ulit, sssshhhh atin-ating lang ‘to).
Tuesday, July 23, 2013
Sekret Lang Natin 'To!
Isang maligayang bati para sa lahat na makakabasa nito! Sya nga pala first post ko ito, matagal ko nang ginawa itong blog pero ngayon lang nagkaroon ng intires na mag lagay ng post.
HAHAHAHA (isang malaking rason dahil sa katamaran).
Kung sekreto nga naman ang pag uusapan tayong mga Pinoy, aba! ay hindi nga naman pahuhuli. Sino ba namang hindi magkakainteris na makinig sa sekreto gayung ito ang pinakaunang dahilan kung bakit may pagtsitsismisan tayong mga tao.
Sekreto, ito yung bagay na hindi mo dapat ipamahagi sa mga tao. Pero sabi nila pag mapagkakatiwalaan nga naman yung sinabihan mo, bakit hindi? Mmmmhhhhh isa rin itong naging malaking mitsa ng katanungan sa isip ko. Matatawag mo pa bang sekreto ang bagay na pinagsabi mo na kahit na ito'y mapagkakatiwalaan
o hindi.
Tao nga naman ang hirap espellingin!
Bago ko simulan ang magiging topic ko sa mga nalalabi ko pang mga araw sa mundo. I wanna welcome myself dito sa komunidad ng mga bloggers. Dito nyu lang malalaman lahat ng sekretong pwede nyung pagtsismisan sa kalye, sa bahay, sa opisina, sa parke, sa jeep, sa bus, sa ilalim ng kama,
sa banyo habang kayo ay.........
.................. naliligo at kahit saan mang lupalop ng mundo.
Ito ang sekretong pang publiko.
P.S. Mga guys at gals, feel free to drop your comments.
HAHAHAHA (isang malaking rason dahil sa katamaran).
Kung sekreto nga naman ang pag uusapan tayong mga Pinoy, aba! ay hindi nga naman pahuhuli. Sino ba namang hindi magkakainteris na makinig sa sekreto gayung ito ang pinakaunang dahilan kung bakit may pagtsitsismisan tayong mga tao.
Sekreto, ito yung bagay na hindi mo dapat ipamahagi sa mga tao. Pero sabi nila pag mapagkakatiwalaan nga naman yung sinabihan mo, bakit hindi? Mmmmhhhhh isa rin itong naging malaking mitsa ng katanungan sa isip ko. Matatawag mo pa bang sekreto ang bagay na pinagsabi mo na kahit na ito'y mapagkakatiwalaan
o hindi.
Tao nga naman ang hirap espellingin!
Bago ko simulan ang magiging topic ko sa mga nalalabi ko pang mga araw sa mundo. I wanna welcome myself dito sa komunidad ng mga bloggers. Dito nyu lang malalaman lahat ng sekretong pwede nyung pagtsismisan sa kalye, sa bahay, sa opisina, sa parke, sa jeep, sa bus, sa ilalim ng kama,
sa banyo habang kayo ay.........
.................. naliligo at kahit saan mang lupalop ng mundo.
Ito ang sekretong pang publiko.
P.S. Mga guys at gals, feel free to drop your comments.
Subscribe to:
Comments (Atom)