Tuesday, July 30, 2013

SONA 2013, Sekreto ni PNoy!


Lumipas na pala ang 4 na taong panunungkulan ni PNoy.

Akalain mo 'yun! Sya nga yung binoto ko sa nakaraang presidensyal eleksyon pero hindi po ako pro PNOy noon wala lang talaga akong mapiling presidente sa panahong iyon. Fourth year college pa ako nang una akong sumabak sa eleksyun.

(Para lang akong umatend nang examination day dapat tama ang sagot para hindi ka manghinayang sa boto mo).

Tulala lang ako walang alam gawin kun'di ang magtanong-tanong kung sino nga ba talaga ang nararapat sa pwesto at mapagkatiwalaan. Sabi ng isang guro ko sa klase, na si Madam B,

"Alam nyu class kay Noy2x ako buboto, dahil alam kung wala siyang gagawing pangungurakot at meron syang pangalang inaalagaan".

Totoo nga naman, kahit na maraming nagsasabi na walang magandang nagawa si PNoy, masasabing ko pa ring kahit paano madami-dami na rin ang mga corrupt na napatanggal nya sa kani-kanilang mga puwesto.

(….. Applause applause applause …..)

Pero madami din ang hindi bilib kay PNoy, eh ano nga ba magagawa ko iba-iba nga naman  pananaw
ng pinoy sa buhay.
Hindi rin naman nasayang boto ko, di ba?

Alam nyo? Minsan naitanong ko rin, "Kaya ba talagang umunlad ng bansa sa kamay ng isang politiko?" Kung sa labas ng Pinas aba "OO" naman, pero sa Pinas aba’y yan ay isang malaking katanungan.

Isang rason lang nakikita ko kung bakit di magawang mangurakot ni PNoy. Tama nga si Maam, yun ay sa dahilang mahirap bahiran ng kasamaan ang pangalan ng magulang na nagpalaki sa kanya.

Nakinig ba kayo ng SONA ni PNoy noong nakaraang linggo?
Dami nyang pinatutungkulang mga taong nasa puwesto ngayon. Maraming mga bulakbok sa pwesto.
Hirap din naman nilang tukuyin ano? Alam nyo may kontribusyon din naman tayo kung bakit sila ngayon ang nakaupo sa pwesto dahil tayo mismong mga Pinoy ang nag luklok sa kanila.

Hirap din tumukoy ng taong mapagkakatiwalaan dahil hindi naman natin sila kamag-anak o kaibigan para malaman lahat ng ginagawa nila.

Kaya, paano po ba yan?

Isip-isip mga kapatid malapit na naman ang presidensyal elekysun. Tika malapit na nga ba??

Pabahay?

“Wala ata akong narinig na pabahay dito sa lugar namin.”

“Bakit hanggang ngayon di parin kami nagkabahay ang hirap palipat-lipat ng tirahan ang mahal pa ng mga bayarin.”

Ito yung palagi kung naririnig sa mga nagrarally at palaging laman ng TV. Mga ate at kuya ‘wag sa pangulo o sa gobyerno iasa lahat ng mga bagay-bagay dapat tayo mismo ay magsikap para buhay natin ay sagana. Kaya nga si Emerson Paguia laman nang SONA ni PNoy sa dahilang sya ang pinakamagandang halimbawa ng isang taong nagsisikap sa buhay para makamit ang pangarap.

Ngayon, di pa rin ba kayo natatauhan samantalang marami nama'ng paraan para umasinso sa buhay??

(Ako nga eh, tamad kung minsa, pero minsan lang naman ginagawa ko parin ang dapat na maging papel ko dito sa mundo at maging isang ulirang Pilipino ng aking lupang sinilangan).


Ang dami ko pa sanang isusulat, kaya lang kapos ako sa oras. (Sa totoo lang di ko natapos ang SONA ni PNoy kailangan ko pang basahin iyon ulit, sssshhhh atin-ating lang ‘to).

No comments:

Post a Comment